Hiking at Jiri Mountain plus Long weekend

 This will be a very long story, kasi nag dagat at nag gala pa sa National Institute of Ecology muna bago mag punta sa Jirisan, pero hindi na natin i-detail yung don sa dagat. Baka bukas ka pa matapos mag basa. Ibang story nalan siguro un.


AFTER breakfast mga 8:30 am siguro nag gather na kami sa harap ng school, tapos nag check lang ng mga gamit ng mga student then nag bigay ng kunting reminder sa lahat baka may nakalimutan lang, then loading ng mga gamit sa bus tapos umalis na after prayer. Nag stop over lang kami ng isang beses para sa mga gusto mag gamit ng toilet. Then at 12noon naka rating na kami sa Seocheon para mag lunch. 

Mabilis lang na lunch, kasi punta pa kami sa National Institute of Ecology. From the name itself, about sya sa ecosystem. There you can find different ecosystem and biom in each different places all over the world. You can see there plants, from different places, animals and all.

I will post or upload video complilatioin about that, para deretso na tayo sa story about hiking natin sa Jiri mountain. Nag dinner na rin kami after ng mahabang lakaran sa loob ng compund ng NIE, medyo kapagod mag libot, pero enjoy naman kasi para kang naka ikot sa ibang bansa, merong tropical country, desert, winter area and all.

Mga 6pm na kami nakarating sa aming tutulugan--SeocheonYouth Hostel. Ang nice ng place, pang camping style talga sya at pang maramihan, pero syempre meron pang time para mag gala at may araw pa, nag decide akong pumunta sa seaside at pag picture picture doon. Sobrang relaxing kasi nakakamiss ung feeling sa hometown ko sa Pinas, syempre nasa tabing dagat ung bahay ko.

Pero syempre mabilis lang ko kasi ako ang roomate at kasama ng mga Middle School Grade 1, so dapat asikasuhin ko ung preparation mga gamit tomorrow for hike. Bumalik ako agad after mag gala sa tabing dagat. 

mga around 7:00pm nag gather kami sa function hall or let say event place ng resort then nagkaroon ng kunting team building at mga palaro, right after that ay ang pag bigay ng mga compact food, energy drink at self heating food para sa hiking.

Ang nakaka tawa dito, hindi ko alam na dapat pala 3 meals ang kunin, para sa Dinner sa shelter bundok, breakfast bago pumunta sa peak/summit, then lunch sa peak bago bumaba pabalik sa bus. Hoyyy... dahil nga sa language barrier, hindi ko naman alam at wala din naman nag explain sakin, isa lang kinuha ko at itlog.

Confident ako na okay na ako dun, akala ko naman may pagkain sa bundok, or baka dun na kami kumain sa restaurant something like that. So goods, na naka impake na lahat, naka ready na ung mga gamit na dadalhin sa bundok at pwde iwan sa bus ung mga hindi mo na need sa pag hike.


Early in the morning at 6:00am gising na ung ibang mga students na kasama ko, ung iba tulog pa, pero nag pa music ako para ma gising sila para mag get ready na rin sa call time for devotional at 7am, near the coastline, tapos lakad kami pabalik sa cafeteria ng resort kasi sama sama kami dun nag breakfast.

Mga 7:30am balik sa room, tapos kunting linis lang, prepare sa sarili, wala na ligo, bihis nalang nga mga damit na pang hike, gloves, hat, mask, sunglasses, sunscreen tapos ready na ang jacket at hiking sticks. hahahaha kunwari sosyal, may pa hiking stick pa. Actually, sila nag provide ng lahat ng need ko for hiking. Hahaha grabe I will make separte blog about that, as in... from hiking shoes to bag, to socks, to hiking sticks and all. Provided nila yan lahat.

We left the Seocheon Youth Hostel place at around 8:30am siguro kasi loading back ng mga gamit sa bus, tapos iba pang mga gamit sa team buildin kagabi. Nakarating kami sa paanan ng Mt. Jiri at 11:30 am something, then kumain lang kami saglit bago pumunta sa jump off, kung saan mag reregister muna bago mag start ng hiking.

Ito pala ung bus at ung restaurant na kinainan namin ng lunch before mag start ang hike, at alam nyo ba? Heheheheh nag service ng seafoods ang restaurant pero for the eat lang rin ang ibang mga student, pero hindi na ako nagulat about that kasi aware na ako sa ganyan experience with other Korean pips I workd with before. (*context: As Seventh-Day Adventist or others call it SDA or Adbentista, hindi po kami pwde ng seafood, pero meron mga SDA sa Korea na kumakain parin, maybe culture differences) Well anyway, it is your personal choice, if you are health conscious, the bible advice to eat clean and healthy foods.

Right after we eat lunch, the bus sends us to the jump off location then we went to the registration area kunting orientation ulit, tapos picture saglit then start na ang hike. At first chill lang, then kasi meron pang hagdan pero nong tumagal medyo mabato na tapo wala na pathway, pero meron parin mga hagdan hagdan, hindi ka maliligaw kasi very obvious ang trail.

I will post a short video compilation about this and share it here para ma imagine nyo ano ung view sa trail. 2pm okay pa, 3pm medyo hingal na tapos pagka 4pm marami na pahinga, pero enjoy lang kasi ang ganda ng trail tapos hindi masyadong mainit kasi maraming puno tapos malamig ang simoy ng hangin. Hindi ka talaga pag papawisan, kung may pawis man malamig ung pawis. Hahahhaha

Mga 530pm kami nakarating sa shelter, tapos kumain lang ng mabilisan kasi pagabi na tapos palamig na ng palamig ung hangin... grabe... Hindi pa ito winter huh, pero grabe nag fe-freeze ung mga kamay ko at other parts of me. Hahahha

6:30pm pumasok na ako sa loob after kumain ng dinner, buti nalang meron akong dalang pagkain pang dinner, remember diba isa lang ung kinuha kong meal? OMG?? ngayon lang nag sink in sa utak ko na wala pala restaurant dito at need ko ng food tomorrow for breakfast. Nag start na ako mag overthink. Hhahaha pero ang dami ko naman kasama at saka bukas ko na to iisipin, so natulog na ako kasi pagod talaga.


Early in the morning nag prepare na ang bawal isa, wala na ligo-ligo kasi ang lamig ng tubig at ung hangin para kang nasa freezer, so wet tissue nalang tapos deodorant nalang okay na to. Change na rin ng another set ng damit for the hike papunta sa peak. Dahil nga sa miss communication at language barrier isa lang meal ang dala ko. Kaya ang ginawa ko, lumapit ako kay Pastor Kim Sung Min at kinapalan ko na mukha ko sinabi ko "Pastor, I don't have breakfast..." hahahha bigla syang napa isip, tapos tumingin sa mukha ko na nagugutom Hahahah binigay nya ung food nya sakin for Lunch nya dapat yun, para maka kain ako. So ngayon pareho na kaming walang makain ng Lunch later sa peak ng Jiri Mountain.

Fast forward, after mag eat ng breakfast, mga 8:30am nag gather na kami sa harap ng shelter para mag orient ulit tapos kunting reminder lang then picture tapos start na papunta sa peak/summit area. chill chill lang ang lakad kasi medyo pagod pa sa accend namin kahapon, medyo nasa hulihan ako ng trail to assist sa mga student na mabagal, pero meron din naman ibang mga teacher na sweeper sa last ng trail, so sabi nila mauna na daw ako at sila na bahala dun sa mga mabagal.

Dito sa part na to, wala nang covering tress, pero may mga part na meron pero most of the time wala, kaya medyo mainit at pinagpapawisan ako kahit malamig ang hangin. 9am, 10am, 11am... kita na namin ang peak kunting kunti nalang malapit na. Then the funny thing is that, almost near the summit, in the middle of nowhere merong CCTV Hhahaha, na amaze talaga ako at natawa na rin sa sarili ko, grabe sila ka advance dito sa Korea, pati sa bundok meron CCTV.


And finally, at 12 noon, we have reached the summit area... apaka saya ko dahil 2nd week ko pa lang sa Korea naka hike na ako agad, and not just that--Jiri Mountain is the highest mountain dito sa mainland ng Korea, pero kung pag uusapan ang Korea as a whole, Hala Mountain na nasa Jeju Island ang pinakamataas, pero kunting meters lang ang difference nila.

Dito, picture picture lang ako kahit alam kong wala akong lunch Hahahha... basta alam ko na alam ni Pastor na wala akong lunch dahil pareho kaming walang pagkain. Then nong tapos na mag emote emote ate selfie ang lahat. Nag announce si Pastor sa mga students, kung sino ang may extra food, kasi nga wala kaming food pareho. Hahahha

Sobra dami gusto mag bigay, maraming student ang nag bigay ng food, ang nangyari sobra sobra ung food namin ni Pastor.

Mainit pala dito sa summit area kasi walang puno. puro sya mga bato bato. Nag pahinga lang kami saglit after kumain, tapos nag after clean up, nag madali na kami bumaba pabalik sa bus, kasi baka magabihan kami wala pa namang mga flashlights ang iba namin kasama.

Medyo pagod na pababa kasi buong araw na nag lakad, tapos kahit merong hagdan, bie ung legs ko ayaw na bumaba ng hagdan parang nasanay na sya pataas nalang ung hakbang. Ewan ko ba bakit mas madali ung paakyat kaysa pababa? Comment down below sa mga sagot nyo... Hahahha



Comments

Popular posts from this blog

Korean Wedding Unexpected Reunion

Arrival sa Korea as a Missionary English Teacher

My Daily Routine sa Korea