Chill Sunday with Grill Premium Beef

 Chill lang ngayon kasi Sunday... so hindi ako gumising ng maaga... Pero ung alarm ko always naka set ng 6:30am, so ang ginawa ko pinatay ko nalang ung alarm... tapos may isa pang alarm ng 7:00am Hahahha pinatay ko nalang din tapos natulog ulit.

Mga around 9:30am siguro hindi na ako maka tulog kasi ang liwanag na ng araw sa bintana, silaw na silaw na ako. Pero hindi parin ako bumabangon sa bed, chill chill lang... hahaha 

At nang biglang nag chat si Ate Melody kung gusto ko ba daw sumama sa sementeryo, may dadalawin yata... Eh sino ba naman ako para humindi... forda go ang reply ko... sabi nya mag ready na daw ako at aalis na anytime soon.

Hala, wala pa akong kain tapos hindi pa ako naliligo... Mabilis lang na hilamos at preparation lang sa mukha with matching moisturazer lang tapos sunscreen, pwde na to... Tapos meron akong chocolate chips tapos soya sa ref pwde na to breakfast. Then nag chat na baba na daw ako.. Hindi ko pa na ubos ung chips iniwan ko nalang. Hahahah


Imagine 52km or more yan huh, pero approximately 32 minutes lang ang byaheeeeeeee, what the world is this? supppppppppeeeeeeeeeerrrrr amazing... Diba? Kung sa Pinas ito? 52 or 53 Kilometers baka maghapun ka na nasa kalsada dahil sa traffic, Las Pinas pa lang pagod ka na.

So after 30 minutes drive naka rating na kami sa sementeryo, apaka organized, malinis at ang ganda tingnan kasi green ang paligid. Mukhang hindi tinipid sa space. Affiliated pala to sa SDA pero pwde naman mag libing dito ang non-SDA. 

Wala pala ako picture nong puntod, hahahaha na ka focus kasi ako sa ganda ng paligid nakalimutan ko na mag picture dun sa tomb. Actually may grass ung ibabaw ng puntod kung sa Philippines, merong tayong Carabao Grass, equivalent sya nito, tinangalan namin ng mga tumubo na hindi nila same kind. Tapos pinalitan ung bulaklak, tapos kunting emote lang. Umuwi na kami agad. Heheheh



As usual, passenger prince lang naman ako... pero dahil nag ask sila if nag breakfast ba daw ako.. Honest ang sagot ko sabi ko chocolate chips lang ang kinain ko kanina bago umalis... Ayon nag drive tru kami sa isang coffee shop, at nag take-out ng egg sandwich at cafe... Masaya nanaman ang bata kasi may kape, pero need mag ingat sa tonsillitis.. hahahah

Bago kami bumalik sa iskol dumaan muna kami sa Coastco, para bumili ng Premium Beff at uling (charcoal) na pwde namin gamitin later sa grill grill sa iskol. Wala kasi ang mga bata until Monday kaya Chill chill lang kami today.




Forda prepare na kami ng Chill chill namin, ready na rin torch (ay sosyal, torch ang gamit hindi lighter at gas) hahahaha... We spend the whole Sunday afternoon with our own version Grill Grill Premium Beef. Hahahaha, first time ko kumain ng medyo hilaw hilaw... sabi nila try ko daw... Hahahah naawa ako sa beef, pero masarap naman. Pero mas gusto ko ung well done good and faithful servant. hahahaha

After kumain, syempre busog na, umuwi na ako sa dorm at nag pahinga, then nag shower na., kasi may gala nanaman mamayang gabi sa (hindi ko alam ung place, basta malapit na sa boarder ng SK at NK) bisitahin daw namin si Maam Pearl, ung dating Sercretary yata ng SDALC, hindi ko alam kung anong exact na position nya dun pero, basta... small world lang talaga.. Friend pala nila si Maam Pearl na dating bumisita sa SDALC which is dati kung work sa Pinas. hahahaha

God is really amazing... We are all connected in some ways , apaka liit lang ng mundo pag involved ka sa ministry. 

Tell next bloggg... Thanks for reading, see you again.  Stay tune sa Diary ng Gwapo sa Korea (DGK) more stories to come...

Comments

Popular posts from this blog

Korean Wedding Unexpected Reunion

Arrival sa Korea as a Missionary English Teacher

My Daily Routine sa Korea