Free Saturday went to Filipino International Church

 So dahil nga wala ung mga student namin this weekend, ibig sabihin wala din kaming church service dito sa campus namin. Monday pa ng gabi babalik ang mga student so medyo mahaba habang weekend to.


Umalis kami sa campus 9am na, tapos nag lakad lang kami pa punta sa highway para mag hintay ng bus pa punta sa Subway station. Medyo matagal ung waiting time ng bus kasi madalang lang ung bus dumaan dito. 

Anyway, pag dating namin ng Subway station, nag transfer pa kami ng ibang subway line, kasi papunta kaming Seoul particularly malapit sa Samhyook Health compound, malapit lang dun ung Filipino International Church, hindi ko ma remember ung name ng location.  Mahina talaga ako sa location name.

Pero mga pass 10:30am na kami  nakarating sa church... patapos na rin ung lesson review nila so, hindi na rin kami naki join sa discussion, understand naman nila kung bakit kami na late kasi medyo malayo kami sa church, pero kasalanan parin namin kasi hindi kami umalis ng maaga,. hahahah

After ng lessons review, meron silang health lecture bago mag end ang Sabbath School program. Then right after nag start na rin ang Divine service. Ang speaker nila ay Korean Pastor na babae, medyo struggle sya sa English pero pwede na rin. Need mo lang talaga intindihin ung pronunciation.

Mga 12:20pm na siguro natapos ung worship kasi medyo late na rin nag start. Then after ng sermon dun na rin kami kumain kasi merong birthday celebration. Nakakamiss ung napapaligiran ka ng mga pinoy, tapos feel at home ka, na parang nasa Pinas lang rin. Heheheh... for sure babalik ako dun pag free ako dito sa school.

After ng eat namin ng lunch, tumakas na kami., hahaha (eat and run) pumunta kami sa kabilang church na merong missionary Kila ate Sheryl. Dun kami tumambay at umidlip na rin para pag ka sunset mag gagala kami around Yongson area. Tapos bumili ng iPhone 15 pro si Ate Sheryl. Apaka yaman talaga... mga 1,180,000 KWon yata ang price. Hindi ko sure, pero deserve naman nya un, at saka pera nya ung eh... so wala tayo paki dun. hahahaha

Nag dinner na rin kami sa Mall... hahaha apaka sarap ng Cubes Beef Stake yata tawag dun... mura lang naman sya 12,900KWon tapos nag convert ako sa Peso mga around 700... hahaha okay lang yan masarap naman.. Hahahahah kanya kanya kami bayad kasi alam ko hindi sila rich kid. So dapat mag bayad tayo oi. Wag free loader. hahahaha

Thanks for reading, see you again.  Stay tune sa Diary ng Gwapo sa Korea (DGK) more stories to come...

Comments

Popular posts from this blog

Korean Wedding Unexpected Reunion

Arrival sa Korea as a Missionary English Teacher

My Daily Routine sa Korea