Very Shocking Thursday: Ang dami mix emotion today
Grabe yong mga nangyari today, as in grabe talaga! ung halo-halong emotion sa na feel ko sa isang araw. Pano ko ba to sisimulan? Hehehe meron kasing bad news at good news.
Pero syempre diary ko to, mag sisimula tayo sa morning. Normal lang naman ung morning ko, gumising ako ng 6:30am kasi inadjust ko na ung alarm ko sa 6:30am, dati 6:00am yan pero dahil wala na kaming jogging preparation for hike, it's up to you kung gusto mo gumising na maaga at mag jogging. Pero ako tulog is life, kaya binago ko ung alarm ko at 6:30am. Pero ang call time sa Cafeteria at 6:50am, dapat 7am nasa Cafeteria na ako at ang mga students para sa morning devotional.
So after ng breakfast chill lang talaga ako, kasi 9am pa naman ang sports time, at dapat 10minutes before 9am nasa school area na ako kasi sasakay ng bus papunta kami sa Hanam Youth Center para sa sports time. Dito nag simula ung shocking at surprise emotion number 1: Bigla tumawag si Teacher Joseph, (Korean Teacher yan sya na ang subject na tinuturo nya ay Bible at Grammar/English thru Korean) so, dahil nga meron na akong Korean Phone number, literal na one call away nalang ako. Anytime, pwde na ma contact.
Diba nga chill chill lang naman ako after ng breakfast, wala pa akong ayos at wala pang ligo, Hahahha biglang sabi sakin, ako daw ang mag handle ng QT--ang QT para syang Devotional Time na parang bible class. So bigla akong napa Ohhhh noooo sa isip ko.., pero syempre dahil bida bida ako, sabi ko... "Yes I can handle that, I will go now" hahahaha. Pak plakado, kunting hilamos lang tapos sunscreen tapos bihis na agad tapos lakad matuwid at subrang laki ng hakbang ko papunta sa iskol.
Pag dating ko dun exactly 8:30am deretso sa classroom tapos syempre, successfu naman. Nag tanong ung mga student sa akin., "Teacher? you are the teacher?.., haha
Then, right after ng class, kungting emote lang sa desk ko sa loob ng teacher's office. Upo lang saglit tapos check ng mga messages. Then deretso na sa bus kasi papunta nga kami sa Hanam Youth Center mga 30 minutes siguro byahe. Nag dalawang isip pa ako kung sasama ba ako or hindi, kasi gusto ko mag pa gupit ng buhok, apaka gulo na kasi ng buhok ko.
Bumalik na sa bus after ng mag laro ng basketball at climbing ng mga bata. Tapos mga 12noon na nakarating ung bus sa iskol. Then kain lang saaglit for the lunch.
I don't know anong pumasok sa isip ko, pero gusto kumain sa room ko today kasi merong subrang Adobong Manok kagabi na binigay ni Ate Melody, so ang ginawa ko dinala ko ung food sa cafeteria papunta sa room ko, nasa second floor kasi ung room ko, nasa ground floor ung cafeteria. This is the first time na kumain ako ng lunch sa room.
Not long after that, ang dami pumasok na messages sa phone ko, wala kasi signal sa cafeteria. Nagulat nalang ako, our team is requesting for a special prayer sa isa naming kasama. Kinabahan ako agad, iba na feeling ko kasi may something or ano bang issue.
Nag back read ako sa group chat namin na mga missionaries na Team2025, ito yong another shocking and mix emotion today. Nagkaroon ng problem sa mission field nya, at wala na masyadong mga bata na nag enroll for English Class, so ibig sabihin hindi na nila need ng missionary dun.
Nagulat nalang daw sya, papauwiin na daw sya kasi hindi na nila need ng English Teacher. Hala??? Agad agad? uwi agad?
Ang dami na tanong sa isip ko, nag worry na ako. Hindi ko alam ano sasabihin or pano i-comfort ung kasama naming missionary. Kasi for sure, ang sama sa pakiramdam na pauwiin ka na hindi pa tapos ang 1 year tear mo. Imagine alsmost 2 months pa lang kami dito. Tapos ganito mangyayari sa kanya.
Hindi naman nya kasalanan na wala na nag eenrol na mga bata sa Mission Field nya, kasi ung previous na Missionary Teacher daw don na pinalitan nya ay late na sa lesson ng 4 months kaya ung ibang mga bata tumigil sa pag enroll ng English class.
Nag call kami sa group chat namin para i-comfort ung kasama namin tapos mag prayer bond na rin. Lahat kami na iyak sa prayer at sa nabalitaan namin. Bigla-bigla naman kasi ung decision. Pag hindi ka na kaylangan, papauwiin ka na.
hahaha madali lang naman ako maka hanap ng work sa Pinas, pero syempre nakakatakot din isipin, pag hindi ka na kaylangan, go away ka na. Overthink malala. Breakdown saglit, tapos laban ulit.
After ko mag emote while kumakain ng tanghalian, nag decide ako na mag gala sa nearest downtown dito sa school mga 20 minutes away malapit sa Seoul, na stress ako sa nangyari.
Gusto ko huminga ng ibang hangin tapos mag pagupit na rin. Hahahah nag guguluhan na kasi ako sa buhok ko. Sayang hindi ako nag picture ng before and after. Pero ito ung ilan sa mga video clips na kuha ko while nag gala ako sa Doncheondong.
Marami naman dikit dikit na salon nakita ko sa maps, pero i dono how to approach or to start conversation. Hindi pa kasi ako marunong mag Koryan koryan, kaya proud to be English English ako, Hi? Hello? do you accept? walk in? I want to have a hair cut. Ayon...
Inulit ko, tapos putol putol dapat.. Hair cut, I want.. okay?
You? Hair cut?
Yes me! Hair cut.
Okay!
Thank you!
You hot? (action na naiinitan)
Yes, me feel hot ( tapos sabay punas ng pawis) ikaw ba naman mag lakad sa labas ng ala-una ang init ng araw parang gustong manakit ng araw.
Kumuha sya ng maliit na fan, tapos tinutok sa akin, then nag start na mag lagay nong gown na pang gupit. Ung nilalagay sa leeg para hindi ka magkaroon ng buhok sa damit. Tapos nilagay nya ung mini fan sa ilalim. Ay! Apaka amazing ni Antie, sabi ko Khamsahamnidaaaaa.... smile smile lang sya..
Hahahaha... After hair cut, apaka fresh sa pakiramdam... pina punta nya ako sa shampoo area, tapos binasa na ung buhok ko at hinugasan, tapos nilagyan ng shampoo tapos may free massage. Wow! Sosyal...
Then balik sa gupit area, sa harap ng salamin, nag tanong sya! kita ko sya sa salamin... tapos tinuturo nya ung buhok,..
This good?
You want hair wax? this? here?
Okay okay..
Ayon, nilagyan na tapos blower na rin, tapos hair spary na rin, then style style na sya... hahaha apaka galing ni Antie, dito na ako mag papagupit always.. hahahah
WALA PALA AKONG PICTURE KANINA SA SALON. SORRY! HAHAHA
NEXT BLOG KO NALANG ILAGAY UNG END PRODUCT.
Next time nalang ulit tayo mag kwentuhan ng mga very shocking na mix emotion day. Pero ito nalang muna for today. Hanggang sa muli!!! Ingat
Stay tune sa Diary ng gwapo sa Korea :D
Comments
Post a Comment