Wala naman masyadong nangyari kahapun, so hindi na ako nag sulat... kaya ngayon nalang tayo mag update ng mga bagay bagay... hahahaha
Maaga paala ako gumising today, actually hindi talaga hahaha ginising ako ni Pastor kasi nakalimutan ko mag alarm kagabi. Meron pala kaming usapan ni Pastor (Pr. Kim Sung Min) na punta kami ng Wonju para kunin ang mga bookshelves na pinag lumaan sa isang church around Wonju--nakalimutan ko ung exact place, basta was Wonju.

Ang usapan namin 6am ang alis namin, pero dahil nga nakalimutan ko i-adjust ung alarm ko from 6:30am tulog pa ako. Then narinig ko nalang meron kumakatok sa door ko, bigla ako na alimpungatan then nag tanong "Pastor?" sabay kuha ng short kasi naka briefcase lang ako matulog hahahah. Kumuha ako ng bagong damit, tapos basa lang kunti ng buhok, pero ayaw ma ayos ng buhok ko halata na bagong gising, so nag suot nalang ako ng sumbrero. hahaha
Nag lagay lang ng kunting sunscreen, then nag suot na ng medyas for the go na agad. mga 2 hours siguro byahe namin kasi mga 90km siguro yung distance from our school to Wonju, pero don't worry apaka ganda ng express way nila dito. So walang problema if malayo ung distance.
Nag stop lang kami saglit in the middle of our traveling para mag breakfast. Then after that deretso na sa byahe. Syempre si Pastor ang nag da-drive, para may ambag naman ako, kwento kwento din ako para may kausap sya. Para kami nag conversation class hanggang makarating sa Wonju at para makuha na ung mga bookshelves. Mga 10:10am na kami naka balik sa school.
Bumalik na ako sa dorm, kasi wala naman ako klase ng morning so wait nalang ako ng lunch para kumain, gusto ko sana matulog ulit, kasi parang feeling ko mahihirapan ako makatulog later sa gabi pag natulog ako ng 10-12noon. So hindi hindi nalang, kaya nag nood nalang ako ng volleyball match sa YT.
After lunch meron akong class at 1:10pm to 2:00pm, tapos sabi ni Pastor, wait ko daw sya ng 3pm kasi mag oopen kami ng bank account for my Savings account at Current account. Para mabuhay na ako dito sa Korea, kasi halos lahat card ang gamit dito minsan lang merong mga stores na tumatangap ng cash.
Tapos hindi istitik ung pag nag bayad ka ng cash sa store, parang your living from the past pa, siguro mga 1844 pa na panahon un pag nag bayad ka ng cash dito.

Mabilis lang naman mag open ng Bank Account kasi kasama ko si Pastor, hahaha sya ang translator at halos sya lang ung kausap ng teller, display lang ako dun, tapos ung ganap ko lang ay sulat ng name ko at signature... siguro mga 20 times ako nag sulat ng name at signature. Paulit ulit.. pero okay lang apaka dali lang naman, hahaha
Passbook yata tawag nila dito, pero ung mismong ATM Card ipapadeliver nalang daw, baka sa Monday pa dumating sa iskol. Hindi naman ako nag mamadali so "Take your time guys" wag kayo mag madali gawin ung ATM Card ko. Buhay naman ako kahit wala akong ATM Card kasi marami naman nag bibigay sakin ng pagkain at saka.., puro naman ako libre dito, Hahahah
Actually dalawa yang passbook, ung isa Current Account ako ang may hawak, tapos ung isa passbook para sa Savings Account which is si Pastor Kim Sung Mim (Sam ang English name nya, pero hindi ko sya tinatawag na Pastor Sam, kasi meron din Student na Sam ang English name).
Si Pastor may hawak ng Savings Account para safe, baka daw gastusin ko at wala matira pag umuwi na ako sa Pinas at mag buo na ng pamilya soon. Charrr lang...! wala pang bubuohin, kasi wala pang jowa
After namin mag open ng Bank Account, balik kasi sa iskol kasi need nya kausapin ang student for counseling yata. I am not sure, basta ako nag hintay lang ako sa desk ko sa teacher's office.
Then, after nya sa appointment nya sa counseling, nag madali na kami pumunta sa Hanam City, para mga open naman ng Korean phone number. Hahahah... naligaw ligaw pa kami parang maze ung mga building dito, dikit dikit parang gustong manakit. Anyway, pag dating namin sa 5th floor nag inquire na si Pastor, i dono anong usapan nila, basta nag Korean silang dalawa, tapos nag start na ang application namin, nag sulat sulat na, tapos namili na kami ng promo ng data at load, at kung magkano ang monthly subscription.
Then bago matapos ang permahan, nagulat ako beh... ikaw pala mag dedecide ng last 4 digit ng number mo. Halaaaaaaaaaaaaa??? bigla nag kagulo ung mga numbers sa utak ko... Hahaha hindi ko alam anong number ba ilalagay ko... so ayon, ID number ko sa AUP nilagay ko. hahahahha
Itong sim na ito pala ay NFC enabled which means pwde mo rin gamitin pang bayad sa bus, need mo lang i-connect sa app, tapos no need na mag dala ng T-Money card para sa bus, pwde na deretso sa phone. Tap mo lang ung phone mo para ma detect ung Sim. Apaka amazing diba?? Hehehhe
Na amazed talaga ako.
Apaka dami pala namin pinuntahan ni Pastor for today's video, at sa buong araw na yun, feeling ko hindi na pagod si Pastor sa byahe or sa pag proceess ng mga dapat i-process. Feeling ko na pagod sya sa kaka-English para lang maka usap ako. Pero i think gusto naman nya yun, kasi gusto daw nya matuto mag English.
Tapos nag request din sya sakin if pwde ba daw magkaroon ng klase with me, sabi ko naman why not. I was meant to be a teacher and I am willing to help him improve his English. Kaya binigyan ko sya ng open schedule ko which is Monday and Wednesday 630pm to 730pm.
Suppose to be may klase kami today kasi Wednesday man ngayon, pero sabi nya, may pupuntahan syan funeral at saka late narin kami naka balik sa iskol, galing sa aming mga kabusihan sa buhay.
Pero sabi nya, okay lang yan, halos buong araw naman daw kami nag usap, parang equivalent narin sa class time.
So yung lang, apaka hands-on ni Pastor. Kumain pala kami after ang lahat ng yan, kasi late na kami sa dinner ng cafeteria so, another conversation class nanaman while eating dinner. hahahah
Until next blog, medyo antok na rin ako eh, hahaha kung ano ano na sinabi ko dito. Thank you sa pag babasa dito, feeling ko naman wala ka makukuha na lesson pero sige lang. Hahahha tangkilikin mo ang Diary ng Gwapo sa Korea. Ingat!!!
Comments
Post a Comment